Hulyo15-18, 2025 Urban Resilience (Air-Defense) Exercise-宣導品-宣導專區-外國人勞動權益網-勞動部勞動力發展署 跳到主要內容區塊
:::

宣導專區

發佈日期:2025/07/11更新日期:2025/07/11
標題:Hulyo15-18, 2025 Urban Resilience (Air-Defense) Exercise

內容:

▍Hulyo15-18, 2025 Urban Resilience (Air-Defense) Exercise

Restriksyon sa mga Kotse, Tao, Ilaw, Pintuan, at Bintana

Sa oras na marinig ang tunog ng air-defense alarm (o makakuha ng anunsyo sa cellphone), ang lahat ng mga nagmamaneho, bumabiyahe, at naglalakad sa daan ay mangyaring sumunod sa mga gabay ng kapulisan at ng mga awtoridad patungo sa pinakamalapit na evacuation shelter.

Ang tunog ng mga sirena ay nagpapahiwatig ng simula ng drill:Ang mga sirena ay may 15 segundo na mataas na tono na susundan ng 5 segundong mababang tono. Ito ay uulitin nang tatlong beses na may kabuuang 115 segundo. 

Ang tunog ng mga sirena ay ititigil:Isang 90 segundong mataas na tono.

Ang mga lalabag sa mga palatuntunan at mga regulasyon ng drill na ito ay mapapatawan ng multa mula NT$30,000 hanggang NT$150,000 ayon sa Civil Defense Act.

Hulyo 15(Tuesday) 13:30-14:00

Central:Miaoli County / Taichung City / Nantou County / Changhua County / Yunlin County / Chiayi City / Chiayi County

Hulyo16 (Wednesday) 13:30-14:00

Timog:Tainan City / Kaohsiung City / Pingtung County

Hulyo 17 (Thursday) 13:30-14:00

Hilaga:Yilan County / Keelung City / Taipei City / New Taipei City / Taoyuan City / Hsinchu City / Hsinchu County

Hulyo 18(Friday) 10:00-10:30

Silangan at mga ibayong isla:Hualian County / Taitung County / Kinmen County / Lianjiang County / Penghu County